/

Quarantine

Ako'y humihingi ng paumanhin kung sa huli nyong pagdalaw ay di kayo naka access sa aking blog. Sinadya ko itong gawin kasi habang nasa kalagitnaan ako ng pag gamit ng computer sa opisina kahapon biglang nawala yung kuryente sa di malamang kadahilanan at di agad naibalik hanggang sa oras ng uwian. Dahil dito hindi ko nabura ang history ng mga inaccess ko na sites kasama na itong aking blog. Since dumaan ako sa ibang project site kanina, di ako ang unang makakagamit nung computer at malamang may gagamit at baka matutunton ang aking blog at ito'y mabasa heheh. Kaya kagabi ito ay aking quenarantine pansamantala. Wala naman dapat akong itago sa aking mga pinagsusulat, ayoko lang na malaman nila ito at tandaan at balik balikan.


Kanina paggamit ko burado na ang history at wala naman sinyales na itong aking blog ay naka bookmark, sana lang hindi rin ito naisulat at itinago para matandaan.


Kaya ngayon muli ko ulit na binubukas para sa lahat itong aking blog.


Sa muli hinihingi ko ang inyong pang unawa. Isang araw ko lang naman na quarantine baka nga wala man lang naligaw na pumasyal heheh. Sana man lang si Pacquiao sumunod sa hiling ng WHO at DOH. At sana nga hindi siya at ang kanyang mga kasamahan kuntaminado ng virus dahil pag nagkataon baka ma wipe out ang lahing Pilipino :)



P.S. Hindi salitang banyaga ang aking ginamit kasi baka maintindihan ng kasamahan ko sa trabaho na katutubo, just in case...



5 comments:

  1. ah. so ibig sabihin may ka-share ka sa computer?

    haha. may ganito din akong post eh na nagtagalog ako kasi baka maintindihan ng mga banyaga. hehehe. ang hirap diba? :)

    goodluck. sana nga walang nakabasa kundi buking ka na!

    ReplyDelete
  2. hahaha patawa ka talaga Braggs...may ka share ka pa dyan..anong tribo ba yan..joke lang. hehhe

    ReplyDelete
  3. hay salamat at nagbalaik ka na pare... panung nangyari yun? may intruder sa blogsite mo? hehehe..
    Happy Mother's day sa iyong nanay!

    ReplyDelete
  4. Ah.. nakabalik ka na pala jan! jijijijiji...sana nga lang walang nagkainteres na imemorize ang blog address mo... jejejjejejeje...ingats!

    ReplyDelete
  5. Hi Reena : Ako ang nakigamit hehe.. under observation pa din, or else :)

    Hi katherine: lahing singkit heheh di naman ako patawa ah..:)

    Hi Mokong: Hehe last week pa tol, di ko lang alam pano ko ipost yung bakasyon ko...

    Hi I am Xprosaic: Huwag sya magkamali kundi mapipilitan ako na isara itong aking blog jejejejeh..

    ReplyDelete